𝗣𝗔𝗠𝗨𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗨 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗢𝗡𝗗𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬 𝗘𝗩𝗔𝗟𝗘𝗡𝗗 𝗦𝗔𝗟𝗧𝗜𝗡𝗚

Hustisya ang panawagan ng pamunuan ng Pangasinan State University sa karumal dumal na pagpaslang kay Evalend Salting, isang 3rd year student ng kursong BS Business Administration sa naturang unibersidad.

Sa inilabas na opisyal na pahayag ng PSU Lingayen, kinondena nito ang brutal na sinapit ng 20 anyos na kolehiyala at tiniyak na kaisa sila sa pagkamit ng hustisyang nararapat para sa biktima.

Nanawagan ang unibersidad sa awtoridad sa mabilis na pagresolba ng imbestigasyon upang mapanagot ang suspek sa krimen.

Samantala, Inihayag din nito na mas pagpapaigting ang kaligtasan sa mga estudyante ng unibersidad upang maiwasan ang anumang insidente posibleng kasangkutan ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments