𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗚𝗘𝗡𝗢𝗠𝗘 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗠𝗔𝗜𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang paghahanda sa planong pagtatayo ng Pangasinan Genome Center.

Ayon kay Governor Ramon Guico III, nagkaroon ng ilang pag-uusap ang mga kawani ng Provincial Government upang maumpisahan ang plano.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng genomics, magiging daan ito upang malaman ang iba’t-ibang genetics ng isang tao na siyang pagmumulan ng kaalaman ukol sa mga posibleng sakit nang makabuo ng kinakailangan lunas para rito.

Kaugnay nito, nauna na ring inihayag ni DOST Sec. Renato Solidum Jr. ang kahalagahan ng genomics research sa pangkalahatang healthcare system ng Pilipinas dahil sa mga potensyal na pagbuo ng mga gamot, diagnostics, therapeutics at iba pang makakasuporta sa kalusugan at klinikal na kasanayan ng bansa.

Samantala, taong 2022 nang pondohan ng ahensya ng P320M para sa pananaliksik sa genomics. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments