Sa kabila ng mga ulat ng El Niño sa Pangasinan, nilinaw ni Vice Governor Mark Lambino na hindi pa apektado ng naturang phenomenon ang lalawigan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, kailangan pa umano ng full report ng DENR tungkol dito ngunit kung magiging basehan ang bulletin na inilabas ng tanggapan noong Enero, hindi kabilang ang Pangasinan sa naapektuhan.
Kaugnay nito, sa usaping forest fire, ay kailangan pa umano ng koordinasyon sa PENRO matapos mapabalita ang isang insidente nito sa bayan ng Natividad lalo na sa papasok na summer season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments