𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝟯𝟱 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗣𝗛𝗔 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa mga probinsya sa bansa na inilagay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ALPHA Alert Level.

Kasunod pa rin ito ng pagtutok sa inaasahang epekto ng Bagyong Kristine na kasalukuyang nananalasa na sa timog bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nasa tatlumpo’t-apat pang lalawigan sa bansa ang nasa ilalim ng Alpha Alert Level na kinabibilangan din ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Kaugnay nito, naghahanda na ang mga concerned agencies sa posibleng epekto ng bagyo sa mga lugar na nabanggit.

Samantala, malaki ang tsansa na lumakas ang bagyo sa loob ng 12 oras at inaasahang maglalandfall sa Northern Luzon sa darating na umaga ng October 24 hanggang 25. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments