Magsusuplay ng agricultural grade salt fertilizer ang lalawigan ng Pangasinan sa Philippine Coconut Authority o PCA.
Nasa 4,180 na bags na naglalaman ng 50 kilos ng asin ang isinusuplay ng lalawigan para sa Coconut Fertilization Project ng ahensya.
Ang Bolinao Salt farm ay kasalukuyang mayroong suplay na tatlong libong tonelada na kayang tustusan ang pangangailangan ng PCA.
Ayon kay Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla, inisyuhan na ng PCA ang mga ipamimigay na mga agricultural grade salt fertilizer. Ang mga salt fertilizers ay naglalaman ng 55 percent salinity o sodium chloride content at mayroon itong 12 percent moisture content.
Dagdag pa niya, bumibili rin ang Central Visayas at Davao ng mga agricultural grade salt fertilizers sa Pangasinan. May posibilidad din na umabot ang produksyon ng agricultural grade salt fertilizers ng anim na milyong kilo nang magsimula ang produksyon nito noong Nobyembre hanggang sa kasalukuyan.
Target rin na masuplayan ng agricultural salt grade fertilizers ang buong bansa upang maiwasan na ang pag-iimport ng asin sa ibang bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨