Puspusan ang paghahanda ng Pangasinan sa posibleng banta ng Bagyong Pepito sa lalawigan.
Sa inilabas na Memorandum No. 2024-02 ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council, nananatiling nasa ilalim sa red alert status ang tanggapan sa pagpapaigiting sa emergency response ng lalawigan.
Nagsagawa na rin ng pre-disaster risk assessment ang tanggapan katuwang ang mga local DRRMO upang matutukan ang posibleng direksyong tatahakin at epekto ng bagyo sa bawat panig ng lalawigan.
Pinag-iingat ang mga residente at pinayuhang paghandaan ang bagyo dahil mapaminsala umano ang dalang ulan at bugso ng hangin nito.
Ayon sa PAGASA, tatahakin ng bagyo ang Bicol Region, Quezon, Central Provinces kasama ang Pangasinan.
Sa tala naman ng NDRRMC, nasa 1364 na barangay maaring maapektuhan ng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy ap ag-uulan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨