π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š π— π—”π—šπ—¦π—¨π—£π—Ÿπ—”π—¬ π—‘π—š π—”π—¦π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π— π—£π—”π—‘π—šπ—” 𝗔𝗧 𝗔𝗨π—₯𝗒π—₯𝗔

Nakatakdang magsuplay ang Pangasinan Salt Center ng asin sa Pampanga at Aurora para sa fertilization program ng Philippine Coconut Authority o PCA.

Ayon sa panayam kay Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla, aabot sa 6,940 sako ng 50-kilo na agricultural grade salt fertilizer ang isusuplay sa mga nasabing probinsya.

Ayon pa kay Batalla, sapat at kayang suplayan ng Pangasinan Salt Center ang programa ng PCA kaya’t napili nilang kumuha na lamang dito. Dagdag pa nito, noong 2023, nasa 6,100 ang kanilang naiprodyus sa loob ng isang taon.

Tinatarget naman ng Pangasinan Salt Center na umpisahan ang pagpoprodyus nito sa susunod na buwan.

Ang Pangasinan Salt Center ay matatagpuan sa Zaragosa, Bolinao na nasa ilalim ng pamahalaang panlalawigan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments