Sa kabila ng mga naitatalang kaso ng African Swine Fever o ASF sa karatig lalawigan nananatiling malaya ang Pangasinan sa naturang sakit ng baboy.
Ayon kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, malaking bagay ang ginagawang pagbabantay at checkpoints ng Provincial Veterinary Office.
Matatandaan, na nakapagtala kamakailan ng mga apektadong ASF sa bahagi ng Batangas maging sa La Union.
Samantala, ramdam naman ang epekto ng ASF sa pagsadsad ng presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan sa Pangasinan na umaabot na lamang sa 320 pesos mula sa 330.
Gayunpaman, siniguro ng SINAG na matatag ang suplay ng baboy ngayong nalalapit na ang kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments