Madalas na ang pagkakaroon ng pag-uulan sa lang bahagi ng lalawigan kung kaya’t paalala ngayon ng awtoridad ang ibayong pag-iingat at paghahanda sa ano man klase ng sakunang maaaring mangyari.
Mainam kung mayroon umanong nakahandang GO Bag sa kahit ano pa mang sitwasyon kung saan maaaring agad na madala kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahan.
Dapat laman ng Go bag ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, canned foods, flashlight at ekstrang baterya, first aid kit, mga importanteng dokumento, mga damit, battery powered na radyo, at local map.
Paalala ng awtoridad na malaki ang maitutulong ng mga ganitong klase ng emergency kit para makaiwas sa ano mang hindi inaasahang pangyayari kapag dumating ang ano mang klase ng sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨