𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗥𝗘𝗗 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦

Nanatiling naka red alert status ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Gener at Habagat.

Sa panayam ng IFM News kay Operations and Training Head ng PANGASINAN PDRRMO, Mr. VINCENT CHIU, inihayag nito na 100% activated ang kanilang mga search and rescue teams sa bawat lokalidad ng lalawigan, gayundin ang puwersa ng kapulisan.

Inihayag din nito na nakahanda at nakapreposition na ang kanilang mga rescue equipments sakaling kailanganin.

Nagsagawa na rin ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting ang lalawigan para sa ibang ahensya ng gobyerno upang maging handa sa anumang kalamidad. Mahigpit sa ngayon ang monitoring sa mga river system ng probinsiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments