𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Naghahanda na ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office para sa ligtas na pagdiriwang ng Undas.

Ayon sa Pangasinan PDRRMO, nakatakdang itaas sa blue alert ang lalawigan upang mapag igting ang seguridad ng publiko.

Ayon kay Operations Supervisor Vincent Chiu, nakatakdang magpulong ang tanggapan katuwang ang ibang ahensya tulad ng Philippine Army, Philippine Coastguard at PNP para maisaayos ang mga nararapat na implementasyon ng protocols.

Ani Chiu, hindi lamang sementeryo ang posibleng dagsain kaya’t tututukan din nila ang mga tourist spots sa probinsya partikular ang mga beaches.

Ayon naman sa PNP, nakahanda na ang kanilang deployment plan para sa paggunita ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments