Puspusan ang paghahandang isinasagawa ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ukol sa posibleng paghagupit ni Bagyong Marce sa lalawigan.
Alinsunod dito ang naganap na Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA kasama ang iba’t-ibang concerned agencies upang antabayanan ang magiging lagay ng lalawigan sa mga susunod na araw.
Inalerto ang ibayong response cluster para sa agarang pagresponde sakaling tuluyang maranasan sa lalawigan ang pananalasa ng bagyo.
Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahang babagtasin ng bagyo ang bahagi ng Northern Luzon na magdudulot ng mahangin na panahon sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments