Walang naitalang casualty ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Pangasinan matapos ang pananalasa ni Bagyong Pepito sa lalawigan.
Ayon kay Assistant Department Head ng Pangasinan PDRRMO Avenix Arenas sa Pantongtongan Tayo virtual presser ng PIA Pangasinan, nakatulong ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa mga residente lalo na at matatandaang isinailalim ang probinsya sa Signal No 3 at 4.
Aniya, maraming Pangasinense ang nakinig at sumunod sa ibinabang kautusan na pagpapalikas upang maiwasan ang epekto ng bagyo tulad ng pagbaha.
Samantala, sa lalawigan, naitala ang kabuuang bilang na 63, 995 residente ang apektado, katumbas nito ang 16, 836 pamilya mula sa 295 na mga barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments