𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗡𝗣, 𝗣𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗣𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗

Paiigtingin pa ng Pangasinan Provincial Police Office ang kanilang presensya sa buong lalawigan kontra kriminalidad.

Ayon Kay Pangasinan Police Provincial Director Col. Rollyfer Capoquian, paiigtingin pa nila ang kanilang pagbabantay para sa seguridad at kaligtasan hindi lamang sa bahagi ng Lingayen Baywalk kung hindi sa buong lalawigan.

Isa sa programa nito ay ang pagpapaigting sa mga pagpapatrolya ng pulisya at pakikipag-ugnayan sa komunidad para lalo pang malaban ang krimen.

Isa rin sa iginiit nito ay ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga nasa komunidad upang tuluyang wakasan ang kriminalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments