𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗬𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

Pormal ng binuksan ang Pangasinan Polytechnic College na matatagpuan sa bayan ng Lingayen.

Ang nasabing paaralan na kauna unahan sa lalawigan ay pag-aari at patatakbuhin ng pamahalaang Panlalawigan.

Pinangungunahan ni Pangasinan Governor Ramon Guico III kasama ang mga opisyales ng Sangguniang Panlalawigan ang nasabing pagbubukas ng nasabing paaralan.

Libre ang magiging pag-aaral dito ng mga estudyante at ayon kay PPC President Raymundo Rovillos, pipili sa mga pinaka-deserving na mga mahirap na mga kababayan na siyang magiging mga scholars nito.

Sa susunod na buwan ang target na pag-uumpisa ng nasabing paaralan kung saan ay sinabi naman ni Pangasinan Governor Guico III na pinaplano nilang palawakin pa ang nasabing paaralan upang mas maraming mga estudyante ang matanggap dito.

Sinabi pa ng gobernador na ang pamahalaang lalawigan ang nagnanais na maibigay ang isang de kalidad at libreng edukasyon para sa mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments