𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗣𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Naghahanda na ang pwersa ng Pangasinan Police Provincial Office para sa pagpapaigting ng seguridad sa paparating na Undas.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PANGPPO PD, PCOL. Rollyfer Capoquian, ipapakalat ang pwersa ng pulisya sa 182 na sementeryo sa buong lalawigan.

Aniya, maximum ang deployment ng pulis sa itatayong 168 na Police Assistance Desks (PADS) na matatagpuan sa mga sementeryo, at iba pang PADS sa mga tourist destinations,establishments, malls, national highways at bus terminals na gagabay sa publiko.

Katuwang ng pulisya sa mahigpit na seguridad sa lalawigan ang nasa 2,500 na advocacy groups.

Dagdag pa ni PCol. Capoquian na itataas ang high alert sa kanilang hanay, ilang araw bago sumapit ang undas.

Samantala, pakiusap ng opisyal na na huwag ng magdala ng mga ipinagbabawal sa sementeryo upang maging mapayapa ang paggunita ng todos los santos sa mga himlayan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments