Binigyang pag-iingat ng Pangasinan PDRRMO ang mga Pangasinense kaugnay sa mga sakit na posibleng makuha sa oras na maranasan na ang panahon ng tag-ulan.
Ngayong may unti-unti nang pag-ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng lalawigan ay mahalaga umano na maging maingat at maging alerto ang publiko sa mga sakit na pwedeng dumapo sa katawan.
Ilan sa mga dapat bantayan na mga sakit tuwing panahon ng tag-ulan ay Diarrhea, Leptospirosis, Cholera, Dengue, at Typhoid Fever.
Payo ng awtoridad na dapat maging maalam sa mga sintomas at kung sakali man na madapuan ng mga ganitong klase ng sakit ay mainam na magpakonsulta na sa doktor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments