Isang tahasang paglapastangan sa soberenya ng Pilipinas ang panibagong insidente ng pambubully ng China sa mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay PAMALAKAYA Chairman Fernando Hicap, kung tutuusin ay pwede ng arestuhin ng Pilipinas ang mga Chinese Coast Guard dahil nasa loob na sila ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Aniya, ang paglapastangan sa soberenya at karapatan ng mga mangingisda ay pagpapakita lamang ng kanilang kabastusan sa atin.
Hindi naman aniya sila kuntento sa nagiging hakbangin ng pamahalaan upang kundenahin ang nasabing insidente.
Sa nakuhang video ng Philippine Coast Guard, nilapitan ng mga Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Pilipino na nangunguha lang ng shell subalit hindi umano nilubayan ng mga Chinese hanggang hindi ibinalik sa dagat ang mga nakuhang shells. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨