Hirap ang ilang mga bumibisita sa puntod ng kanilang yumao dahilan ang patuloy na nararanasang pagbaha sa ilang bahagi ng mga sementeryo sa Dagupan City.
Sa isang pribadong sementeryo, itinayo ang isang tulay na pansamantalang pagtatawiran ng mga dadalaw dahilan na malalim ang pagbaha at hindi kakayanin ng lahat ng suungin ito.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan, kailangan magdahan dahan sa pagtungtong sa ginawang pansamantalang tulay maging ng mahabang pasensya sa pila lalo na at malaking bahaging ito ang higit na pinapasukan ng mga bibisita.
Panawagan nila, sana umano ay maaksyunan ang naturang problema dahil pansin ng mga ito na halos hindi umano nawawalan ng tubig sa nasabing bahagi.
Samantala, inaasahang dadagsain pa ngayong araw ang mga sementeryo sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨