𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 ₱𝟭𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗, 𝗟𝗨𝗦𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2534 o ang panukalang P100 across the board na umento sa sahod para sa mga minimum wage earners sa bansa bunsod ng pagsang-ayon ng nasa dalawampung senador.

Ilang mga Pangasinense, nananatiling hati ang opinyon ng mga ito kaugnay sa nasabing isyu.

Ayon sa ilang mga sumang-ayon, malaking karagdagang umano ang P100 na dagdag sa sahod lalo ngayon na nagtataasan din ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Habang ang mga di sumang-ayon, pangamba daw ng mga ito na baka sa pagtaas sa sahod ay mas lalong tumaas ang presyo mga BNPC dahilan na maaaring mabawi ng mga mag-iimplementang kumpanya pagdating sa pagmamarket ng kanilang produkto.

Samantala, kung tuluyang maisabatas ang naturang Senate Bill, nasa higit apat na milyong manggagawa o 4.2M employees ang mabebenipisyuhan nito at ito rin magiging ang kauna-unahang legislative wage hike simula pa noong 1989. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments