𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝟰𝗣𝗦 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗖𝗔𝗥𝗗𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Inihain ni Sanggunian Panlalawigan Member Rosary Gracia Perez-Tababa ang ang isang panukalang nagbabawal sa pagsasangla o pagbebenta ng 4ps Cash Cards.

Sa draft Provincial Ordinance No. 60-2024 nakasaad na ipinagbabawal ang bawat indibidwal, grupo, o mga negosyante na kukuha ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4PS na ibenta o isangla ito.

Sinabi Vice Governor, Mark Ronald Lambino, nararapat lamang na magkaroon ng ordinansa sa 4Ps cash cards dahil karamihan sa mga miyembro ng 4Ps ay nagsasangla ng kanilang cash cards.

Kaakibat umano ng pagsasangla ng kanilang mga cash cards, kinakailangan nilang magbayad ng malaking interest sa taong pinagsanglaan.

Bukod dito, Pananamantala at pagpapahirap umano ito sa mga nagsangla ng cash cards kung kaya’t baon sa utang ang ilan sa mga miyembro ng 4Ps.

Matitigil lamang aniya ang ganitong gawain kung hihigpitan ng mga awtoridad ang pagmomonitor ng mga gawain ng mga miyembro.

Matatandaan na nagbabala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga benepisyaryo ng 4ps na tatanggalin sila aa listahan kapag hindi huminto sa pagsasangla ng cash cards sa mga nagpapautang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments