𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗔-𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗦𝗜𝗦𝗜𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗥𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗖𝗔𝗩𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜

Matagumpay na ipinamahagi ng pamahalaan ang sampung unit ng excavators sa National Irrigation Administration – Region 1.

Ang mga sampung unit ng excavators ay napasakamay din sa bawat provincial offices ng NIA.

Layunin ng pamamahaging ito ng nakataas na pamahalaan ay upang mas mapaigting ang implementasyon ng mga proyektong pampatubig sa bansa at alinsunod sa Build Better More (BBM) Infrastructure Development Program ng kasalukuyang administrasyon kung saan bahagi rin ito ng acquisition ng heavy equipment ay bahagi ng NIA Three-Year Re-Fleeting Program ng pamahalaan.

Ang mga heavy equipment unit na ito ay gagamitin sa pagpapanatili ng mga kanal ng irigasyon at magbibigay ng agarang pagsasaayos o muling pagtatayo ng mga istruktura lalo na sa mga pasilidad na napinsala ng mga nagdaang kalamidad sa buong bansa.

Pagsisiguro naman ni NIA Regional Director Engr. Danilo V. Gomez na ang mga bagong excavators na ito ay gagamitin bilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng pagtama ng El Niño sa bansa at sa buong rehiyon. Magagamit din umano sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga magsasaka.

Bahagi rin ito ng mandato upang makapagbigay na maayos na serbisyo sa mga magsasaka at mamamayang Pilipino upang madagdagan ang kanilang ani at kita tungo sa maunlad na bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments