Friday, January 30, 2026

𝗣𝗔𝗥𝗔𝗟𝗟𝗘𝗟 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗔𝗕𝗔𝗚, 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔

Cauayan City – Bubuksan na mamayang hapon, Enero 30, 2026, para sa mga motorista ang San Lorenzo Parallel Bridge sa Maharlika Highway, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office II ang tulay ay may maximum load capacity na 38 tonelada.

Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagsunod sa itinalagang limitasyon sa bigat at sa mga nakalagay na traffic signs upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Hinimok ng DPWH ang lahat ng motorista na maging maingat at sumunod sa mga paalala habang ginagamit ang bagong bukas na tulay.

Source: DPWH R2

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments