𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 π—•π—”π—‘π—šπ—žπ—”, π—£π—”π—‘π—¦π—”π— π—”π—‘π—§π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—œπ—§π—œπ—‘π—œπ—šπ—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—œπ—‘π—” π— π—˜π—₯π—–π—˜π——π—˜π—¦

CAUAYAN CITY- Tigil pasada muna ang mga bangkero sa Turod-Banquero Overflow Bridge dahil sa pagtaas ng lebel nito sa bayan ng Reina Mercedes.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Zosimo Solito Jr., hindi kakayanin ng maliliit na bangka o balsa ang agos ng tubig kung kaya’t natatakot ang mga bangkero maging ang mga residente na tumawid dito.

Aniya, may binigay na motorized boat ang LGU Reina Mercedes sa kanilang barangay ngunit sa kasamaang palad ay nasira ito noong nakaraang taon.


Dahil dito, kinakailangang umikot ng mga residente ng riverside sa bayan ng Gamu at Burgos upang makarating sa sentro ng Reina Mercedes.

Sa ngayon, puspusan ang pagsasaayos sa kanilang motorized boat lalo na at panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments