𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isinagawa ngayon sa lungsod ng Dagupan ang Paskuhan sa Barangay Awarding Ceremony at Iwas Paputok 2023 bilang pagkampanya ng kagawaran ng kalusugan kasama ang lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Nilahukan ang Christmas Caroling contest ng limang contestants mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod na binubuo ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang paaralan.
Nakapaloob sa mga christmas carol ng mga bata ang mga pag-iingat sa paputok at maging pagbibigay importansya sa 7 healthy habits na patuloy rin na kinakampanya ng Department of Health.

Sa naganap din na event na ito ay sama sama roon ang mga kawani mula sa iba ’T-ibang organizations, government o non government man at nanumpa sa Pledge of Commitment kung saan nakapaloob ang kanilang pagsuporta sa pagkakaroon ng maayos at matiwasay na pagsalubong ng bagong taon na walang anumang firecracker-related incidents at kampanya Iwas paputok 2023.
Kasama sa panunumpang ito si Mayor Belen Fernandez at DOH Regional Director Doctor Paula Paz Sydiongo kung saan sabay din na pumirma sa pledge of commitment kasama ang iba pang kawani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments