
Cauayan City – Pansamantalang isasara ang Paskuhan Village ngayong araw, Disyembre 24, 2025, upang bigyang-daan ang mga micro, small and medium enterprises at kanilang mga kawani na makapaglaan ng oras kasama ang kanilang pamilya ngayong Bisperas ng Pasko.
Ayon sa pamunuan, ang hakbang ay bahagi ng suporta sa kapakanan ng mga negosyante at manggagawa sa loob ng Paskuhan Village.
Nagpaabot din sila ng pagbati ng Maligayang Pasko sa publiko.
Source: City Ilagan Economic Development and Investment
Facebook Comments









