CAUAYAN CITY- Sinuspende ngayong araw ang pasok mula Kindergarten 1 hanggang Senior High School sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Isabela.
Sa abiso na nilabas ng mga Local Government Unit, suspendido ang pasok ng mga mag-aaral dahil nasa ilalim ng Signal No.1 ang kanilang lugar.
Ang direktibang ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 037 kung saan awtomatikong suspendido ang pasok sa mga naturang antas kapag nasa ilalim na ito ng signal no. 1.
Kabilang sa mga lugar na nagsuspende ng pasok dahil sa Bagyong Marce ay ang Lungsod ng Ilagan, Burgos, Palanan, San Pablo, Maconacon, Santa Maria, Cabagan, Tumauini, Santo Tomas, Divilacan, at San Mariano.
Facebook Comments