Monday, February 2, 2026

β€Žπ—£π——π—”π—’ 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑, π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š π—”π—žπ—§π—œπ—•π—œπ——π—”π—— 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—”π—¨π—¦π—§π—œπ—¦π—  𝗔𝗧 𝗗𝗒π—ͺ𝗑 𝗦𝗬𝗑𝗗π—₯π—’π— π—˜

β€Ž
β€ŽCauayan City – Ibinahagi ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Cauayan ang pagsasagawa ng selebrasyon ng Autism and Down Syndrome Consciousness Week ngayong buwan ng Pebrero.
β€Ž
β€ŽAyon kay PDAO Head Jonathan Galutera, katuwang sa gagawing aktibidad ang Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng mga Special Education (SPED) Centers.
β€Ž
β€ŽBukod dito, ibinahagi rin niya na may pondong inilaan ang Cauayan City Government para sa therapy ng mga mamamayang may Autism at Down Syndrome.
β€Ž
β€ŽSinabi rin nito na malaking tulong ang pagkakaroon ng mga ganitong selebrasyon upang mabigyang pansin ng publiko ang mga ganitong uri ng karamdaman.
β€Ž
β€ŽInihayag din ni Ginoong Galutera na ang mga taong kabilang sa Autism and Down Syndrome Community ang kadalasang nakakaranasan ng discrimination at nahihirapang makatanggap ng serbisyo kung kaya’t malaking tulong ang mga ganitong aktibidad upang maibigay ang mga nararatapat na serbisyo sa kanila.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments