𝗣𝗗𝗘𝗔-𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗜𝗜𝗚𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗣𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦

Nagpahayag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) SA ILOCOS ng pagiigting sa mga seaports at coastal areas upang mahuli ang mga nagsasagawa ng drug smuggling.
Pahayag ni PDEA-Ilocos Regional Director Joel Plaza, dahil sa malawak na baybayin ng rehiyon madaling magsagawa ng drug smuggling. Aniya nakipagtulungan na rin ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan tulad ng Santa Ana, Ilocos Sur; San Juan, La Union; Burgos, Ilocos Norte; and Tubao, La Union na sumailalim na sa training para sa pagbabantay sa mga gantong insidente.
Nais pa ng tanggapan na magsagawa ng marami pang training sa ibang LUGAR. Kaugnay nito, ayon kay Plaza, maaaring ilunsad ngayong taon ang Seaport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group na magpapalakas ng seguridad at mag monitor ng smuggling activities sa mga baybayin.
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments