𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗗𝗢𝗟

Iginiit ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kahandaan ng publiko sa disaster preparedness tulad na lamang ng lindol.

Ayon kay PDRRMO Operations and Training Center Head Vincent Chiu, may mga aktibong fault line sa lalawigan ng Pangasinan kung kaya’t mainam na handa ang mga Pangasinense sa lindol.

Dagdag nito, marapat lamang na mapag-usapan sa loob ng tahanan kasama ang pamilya ang ukol sa mga dapat na isasagawa o kahandaan kung makakaranas man ng kalamidad.

Isa sa dapat umanong kailangang tandaan ay ang pupuntahang evacuation centers at kung saan magkikita ang bawat miyembro ng pamilya upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Dapat rin umano na makibahagi ang bawat isa sa mga isinasagawang earthquake drills dahil may mga mahahalagang impormasyon na makukuha rito tulad ng mga gagawin kung sakaling mawalan ng linya ng komunikasyon, insidente ng pagkasunog, at posibilidad ng tsunami sa mga coastal areas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments