Tuesday, January 20, 2026

𝗣𝗛𝗔𝗦𝗘 𝗜𝗜 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗘 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔

Inumpisahan na ang konstruksyon ng phase II ng kalsada at drainage sa bahagi ng Brgy. Carael, Dagupan City.

Matatandaan na nakaranas ng mataas na pagbaha ang barangay dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan na sinabayan pa ng high tide.

Isa rin ito sa nagiging problema ng mga residente at motorista dahil sa naiipon ang tubig sa kanilang barangay na nagdudulot ng sakit at pagtigil ng kanilang kabuhayan.

Samantala, kasama ang naturang proyekto sa flood mitigation program ng lungsod upang tuluyan nang maisaayos ang problema sa baha ng mga residente sa naturang barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments