Mariing iginiit ni Senator Bong Go na dapat umanong siguruhin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na palalawigin nila ang kanilang mga serbisyo upang maayos na mapakinabangan ng publiko ang pondo sa ilalim ng ahensya.
Ayon sa senador, tututukan umano nila ang mga ipinangakong pagbabago sa mga serbisyong maaaring ma-avail ng isang miyembro ng PhilHealth tulad ng mga packages.
Tututukan rin umano nito ang mga ipinangako ng tanggapan na palawigin ang serbisyo tulad ng sa top 10 mortality cases, para sa puso, diabetes, dental, visual at iba pa.
Tanggalin din umano ang mga matagal nang polisiya tulad ng 24hrs confinement policy na kung kaya naman umano nilang tignan ang mga fraudulent claims.
Dapat rin umano nilang siguruhin na kung sakaling lumobo ang pondo ng Philhealth sa susunod na taon ay hindi na dapat ito magamit sa iba bukod sa usaping pangkalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨