
Cauayan City – Mahigit 130 golfers ang inaasahang lalahok sa Philippine Golf Championship na magsisilbing season opener ng Asian Tour at inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC).
Gaganapin ang torneo ngayong araw, February 5 hanggang 8 sa East Course ng Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.
Kabilang sa mga top players na sasabak ay sina dating Order of Merit winners John Catlin at Sihwan Kim ng United States, at Jazz Janewattananond ng Thailand.
May kabuuang premyong USD 500,000 na inilaan ng Asian Tour at National Golf Association of the Philippines.
Ayon kay PSC chairman Patrick Gregorio, patunay ang muling pagho-host ng bansa sa tiwala ng international sports community.
Samantala, lalaban naman para sa Pilipinas sina Aidric Chan at Carl Jano Corpus sa nabanggit na kompetisyon.










