Bukas na rin para sa mga batang edad apat pababa ang Philippine Identification System (PhilSys) ID ayon sa pahayag ng opisyal mula sa Philippine Statistics Authority.
Ayon kay Edwina Carriaga, ang chief administrative officer ng PSA-7, hindi na kinakailangang dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa registration at kakailanganin na lamang ang demographic data maging ang front facing photograph.
Ang kanilang magiging PhilSys Number ay nauugnay sa legal guardian ng bata at pagdating ng kanilang limang taong gulang, ang Iris at Fingerprint naman ang kasunod na iiscan. Kinakailangan din umanong muling sumalang sa pagscan ng kanilang biometrics at iupdate ang registration kung sila ay nasa labinlimang taong gulang na.
Layon nito na magkaroon na ng valid ID ang mga bata kahit nasa maagang edad pa lamang.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nasa higit 1.5 milyong PhilSys Cards na ang na deliver. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨