Hinahangaan ngayon ang guhit kamay na tila may buhay na gawa ng isang 17 taong gulang na binatilyo mula sa Bugallon, Pangasinan.
Sa bawat guhit gamit ang lapis, naipapakita ni John Carlo Dela Cruz ang kaniyang emosyon at mga opinyon sa pamamagitan ng pagdo-drawing.
Natuto siyang gumuhit noong siya ay siyam na taong gulang.
Inspirasyon umano ni John Carlo ang nakatatandang kapatid upang mas pagbutihin pa ang kaniyang talento sa pagguhit na ngayo’y ginagamit na niya sa bawat poster making contest na sinalihan niya.
Madalas ding manalo sa mga kumpetisyon si John Carlo at sa bawat kumpetisyon na ito, mas nalinang ang kaniyang kakayahan habang ine-enjoy at natututo sa bawat karanasan.
Panghihikayat nito sa mga kapwa mag-aaral na nagpursige para sa kani-kanilang pangarap na nais marating. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨