Nakatakdang sumabak sa nursing skills training ang piling labing dalawang nars mula Pangasinan Provincial Hospital.
Sa resolusyon na ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan, magaganap ang naturang training sa Ilocos Training and Regional Medical Center. Dito ay partikular na hahasain ang mga medical practitioner sa PeriOperative Nursing Skills Training, Maternal Health Skills Training, Pediatric Nursing Skills Training, Neonatal Nursing Competency Enhancement, Basic Emergency and Trauma Nursing Skills, Basic Critical Care Nursing, at Orthopedic Rehabilitation Nursing.
Sa pamamagitan ng nursing skills training layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na mabigyang-kaalaman at mahasa sa sapat na kaalaman sa clinical skills ang mga nurses sa Pangasinan.
Bawat nabanggit na training ay matatapos sa loob ng dalawang buwan. Ang naturang programa ay magaganap simula ngayong taon hanggang 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨