𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa harap ng libo-libong mga Pangasinense na target na mas paigtingin ang paghahanda ng gobyerno laban sa mga sakunang posible pang dumaan sa bansa, kasabay ito ng naganap na pamamahagi ng presidential assistance sa Lingayen, Pangasinan, kahapon.

Aniya, doble at triple pa ang gagawing pag-iingat at paghahanda laban sa mga kalamidad.

Inatasan ng pangulo ang mga ahensya at mga lokal na pamahalaan na mas palakasin pa ang paghahanda maging ang nararapat na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Pangasinense.

Inilatag nito ang pag-antabay ng mga pangunahing ahensya at kanilang gampanin sa gitna ng mga kalamidad na kinakaharap ng mga Pilipino.

Samantala, hinikayat ng pangulo ang pakikipag-ugnayan at kooperasyon ng sambayanan upang makamit ang mas ligtas, mas handa at mas maunlad na Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments