Monday, February 16, 2026

𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Mas pinaigting ang kampanya sa seguridad at crime prevention sa isinagawang community dialogue ng PNP Cauayan sa pangunguna ni PLTCOL Avelino D Canceran Jr, Chief of Police ng Cauayan City.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PLTCOL Canceran ang mahalagang papel ng mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang lugar.

Hinikayat niya ang mga residente na maging mapanuri at maagap sa pagbabantay laban sa mga kahina-hinalang tao na pumapasok sa kanilang barangay, lalo na sa mga hindi kilalang bisita.

Tampok din sa talakayan ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa anti-carnapping measures upang maiwasan ang pagnanakaw ng sasakyan at maprotektahan ang ari-arian ng publiko.

Ayon sa hepe ng pulisya, ang pakikipagtulungan ng komunidad at agarang pagre-report sa awtoridad ay mahalagang hakbang upang mapigilan ang krimen.

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police sa mga komunidad sa buong Isabela, inaasahang lalo pang mapatatag ang seguridad, disiplina, at pagkakaisa ng mamamayan laban sa kriminalidad.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments