𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝟰𝟳𝟭𝗠 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦

Umabot na sa four hundred seventy one million pesos (Php 471,000,000.00) ang inisyal na halaga ng pinsala sa Ilocos Norte dahil sa hagupit ni bagyong Julian.

Sa inilabas ng Provincial Government ng Ilocos Norte, nasa three hundred eighty four million pesos (Php 384,000,000.00) ang inisyal na naitalang halaga ng pinsala pagdating sa imprastraktura.

Halos umabot sa eighty seven million pesos (Php 87,000,000.00) naman ang inisyal na naitalang halaga ng pinsala pagdating sa sector ng agrikultura.

Matatandaan na isinailalim ang probinsiya sa state or calamity dahil sa matinding pinsala nito dahil sa Bagyong Julian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments