𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗜𝗠𝗣𝗥𝗔𝗦𝗧𝗥𝗔𝗞𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟴𝟲𝟯 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡

Pumalo na sa 863,335,743 ang naitalang danyos sa agrikultura at imprastraktura ng Bagyong Kristine sa Pangasinan.

Sa datos ng Pamahalaang Panlalawigan NASA 240,236,393.50 ang pinsala sa agrikultura, 1,049,350 sa livestock at 622,050,00 naman sa imprastraktura.

Nagpapatuloy ang balidasyon ng iba’t-ibang bayan sa iniwang pinsala ng bagyo sa lalawigan. Nakapagtala rin ng 42 bahay na nasira sa kasagsagan ng bagyo. Umabot na sa higit 150,000 ang apektadong indibidwal sa lalawigan na naapektuhan ng pagbaha at storm surge kung saan nakapagpamahagi na ng aabot sa 1.2 milyon na tulong sa mga apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments