Mas pinag-igting pa ang pagmomonitor sa mga barangay sa Dagupan City lalo na ang mga nasa low-lying at malapit sa mga coastal areas dahilan ang posibleng maranasang pagtaas pa ng tubig-baha.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay CDRRMO Head Ronaldo De Guzman, patuloy na binabantayan ang posible pang pagtaas ng lebel sa Sinucalan River na kasalukuyang nasa above normal level o 6.8 meters above sea level at nalalapit na sa critical level.
Una nang nailikas ang nasa apat na pamilya mula sa Malued at Bonuan Gueset habang mayroon namang dalawampu’t-isang pamilya katumbas ang walumpu’t-walong indibidwal sa Calmay ang nananatili na rin sa evacuation centers.
Sa pinakahuling monitoring ng Pangasinan PDRRMO, nasa pitong barangay ang apektado ng pagbaha ngayon.
Inaasahan namang nasa 1 metro ang lebel ng high tide na mas nagpapataas ng nararanasang pagbaha sa lungsod.
Nagpamahagi na rin ng relief goods ang lokal na pamahalan sa Barangay Calmay, lucao at Carael. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨