Pitong barangay ngayon ang binabantayan sa lungsod ng Dagupan dahil sa nararanasang pagbaha.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Head Ronaldo De Guzman, ilan sa nakararanas ng pagbaha ay mga bahagi ng Bacayao sur, Malued, Lasip grande, Lasip chico, Pogo Chico, Pogo Grande , Mayombo. at ilan pang bahagi ng lungsod.
Aniya, dumadaloy na kasi ang tubig mula sa Sta. Barbara at Calasiao na sinasalo ng lungsod ng Dagupan.
May mga inilikas na rin sa mga binabahang barangay matapos mangamba na hindi makalabas ng kanilang tahanan sakaling magpatuloy ang pagtaas ng tubig.
Samantha, Binaha rin ang ilang kakalsadahan sa lungsod tulad sa Downtown area, Gomez St. hanggang Zamora St., Perez blvd. at Rizal Extension, at ilang bahagi ng M. H. Del Pilar St. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨