Nasa pitong daang residente ang unang naging benepisyaryo ng bagong lunsad na Purokalusugan ng Department of Health (DOH) sa Dagupan City.
Ang lungsod ng Dagupan ang naging pilot area ng naturang programa ng DOH – Center for Health Development 1 sa buong Ilocos Region.
Saklaw ng pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ang pagbabakuna, pagsusulong ng masaganang nutrisyon, dental services, reproductive and maternal health, TB screening, human immunodeficiency virus (HIV) screening, the Philippine Package of Essential Noncommunicable Disease Interventions (PhilPEN), cancer screening, and Water, Sanitation, at Hygiene Information, Education, at Communication (WASH IEC).
Samantala, layunin ng nasabing programa na maging abot-kamay ang mga kinakailangang serbisyong medikal para sa mga residente sa kasuluk-sulukan ng mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨