Kinumpirma sa IFM Dagupan ni Alliance of Concern Teachers o ACT Party List Representative France Castro na nagpasa na sila ng panukalang batas upang imbestigahan ang umano’y nagaganap na pagbabayad sa mga residente para pumirma sa sinasabing signature campaign sa pamamagitan ng people’s initiative.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa opisyal, sinabi nito na plano nilang ipatawag ang mga puwedeng ipatawag kaugnay dito lalo na ang mga ilang mga opisyales ng mga lokal na pamahalaan.
Bagamat sa lalong madaling panahon ang plano, nakadepende pa rin, aniya ito sa desisyon ng liderato ng House of Representatives kung isasama ito sa mga uunahin.
Patuloy, aniya, kasi silang nakakatanggap ng mga report kaugnay sa paglawak ng nasabing signature campaign sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Dito Sa Pangasinan, may mga kumakalat na din na mga nagpapapirma bagamat wala naman umanong bayad na ibinigay sa mga nagpirma dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨