Pinaghahandaan na ang planong pagpapatayo ng Mother & Child Hospital sa lungsod ng Dagupan ng Department of Health sa pangunguna ni Usec. Vergeire katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan at ilan pang DOH officials ng Rehiyon Uno maging ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Layon ng healthcare facility na ito na suportahan at mabigyan ng kalidad na serbisyong medikal partikular ang kapos palad na mga nanay at kanilang anak upang matiyak ang pagtaguyod sa kanilang kapakanang pangkalusugan.
Matatandaan na sa kasalukuyan ay patuloy ang arangkada ng iba’t-ibang programang nagpapalakas sa kabuuang healthcare system para sa benepisyo ng mga Dagupeños at bilang alinsunod na rin sa UN Sustainable Development Goals at adhikain ng kasalukuyang administrasyon.
Samantala, kung maaprubahan at maisakatuparan ang naturang proyekto ay nakatakda itong itayo sa barangay Pantal sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨