
Cauayan City – Muling nagbigay ng paalala ang Police Regional Office 2 (PRO 2) sa publiko hinggil sa umiiral na Anti-Cattle Rustling Law na mahigpit na nagpaparusa sa pagnanakaw, pagpatay, o pagtangay ng mga large cattle gaya ng bala, kalabaw, kabayo o iba pang inaalagaang miyembro ng bovine family nang walang pahintulot ng may-ari.
Ayon sa abiso ng PRO 2, ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas ay maaaring makulong ng anim (6) hanggang labindalawang (12) taon o mas kilala bilang Prision Mayor Maximum to Reclusion Temporal kung walang dahas na ginamit sa pagtangay ng mga malalaking hayop.
Gayunman, mas mabigat ang parusa kung sakaling may ginamit na dahas at kung ang may-ari ng hayop ay lubhang nasaktan o nasawi.
Sa ganitong pagkakataon, maaaring patawan ang lumabag ng labindalawang (12) taon o higit pang pagkakakulong, mula Reclusion Temporal Maximum hanggang Reclusion Perpetua.
Layunin ng kampanya na maprotektahan ang mga magsasaka at livestock raisers laban sa cattle rustling na nagdudulot ng malaking pinsala sa kabuhayan ng mga ito.
Patuloy naming hinihikayat ng PRO2 ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at kaagad na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









