𝗣𝗡𝗣 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗜 𝗗𝗜𝗥. 𝗣𝗕𝗚𝗘𝗡. 𝗘𝗩𝗔𝗡𝗚𝗘𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Bumisita sa Dagupan City si PBGEN Lou Frias Evangelista, ang bagong Regional Director ng Police Regional Office 1, kung saan ay mainit na tinanggap ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez.

Kasama sina Pangasinan PD Col. Jeff Fanged at Dagupan OIC COP PLCol Brendon Palisoc, napag-usapan ang kapansin-pansing mga proyektong pang-imprastraktura sa lungod kaakibat nito ang pagtitiyak ng dagdag na seguridad at pagpapanatili ng peace and order mula sa hanay ng kapulisan.

Kasama na rin dito ang ang pagtitibay ng anti-drug efforts mula sa pinagsamang pwersa ng kapulisan, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), lokal na pamahalaan, at ang pakikiisa ng komunidad.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na makakaasa ang PNP sa tuloy-tuloy na kampanya tungo sa iradikasyon ng ilegal na droga sa siyudad, at ganun din sa repormasyon at rehabilitasyon ng mga drug users. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments