Lumabas sa Peace and Order Statistics ng Provincial Government ng La Union noong Setyembre na ang police population ng probinsya ay nasa 1 is to 630.
Ayon sa La Union Police Provincial Office, kabuuang 795 police personnels ang nakadeploy sa buong lalawigan at nahahati ang mga ito sa apat na pangkat mula sa South Eastern, South, Central at Northern Tourism Circuit.
Mula sa kabuuang sakop ng La Union, nakatalaga ang 131 pulis sa San Fernando City; 49 sa bayan ng Rosario; at 46 sa bayan ng Aringay.
Ayon sa Pambansang Pulisya, sa kasalukuyan mayroon pang kulang na higit labing isang libong uniformed personnel position upang makamit ang kasalukuyang 1 is to 500 na police population ratio.
Sa nasabing bilang Kumpiyansa naman ang hanay ng kapulisan sa lalawigan sa pagpapanatili ng peace and order sa bawat lokalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨