𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭, 𝗞𝗜𝗡𝗢𝗡𝗗𝗘𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗦𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗬 𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗢𝗡𝗜𝗔

Mariing kinondena ng Police Regional Office 1 ang pamamaslang Kay Umingan Councilor Ponciano Vallecer Onia sa Brgy. Lubong Umingan, Pangasinan.

Sa inilabas na pahayag ni PRO1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista, nagsasagawa na ang mga ito ng malalimang imbestigasyon kung saan nagpapatuloy ang Pangangalagap ng mga ebidensya at testimonya ng mga saksi.

Aniya, ang kaligtasan at seguridad ng publiko ang pangunahing prayoridad ng kapulisan maging ang mas pina-igting na police operations lalo Pat nalalapit na ang eleksyon.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa sinomang may impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng kaso ay makipag ugnayan sa imbestigador ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments