𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Planong paigtingin ng bagong talagang Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office na si PCol Rollyfer Capoquian, ang police visibility sa lalawigan ng Pangasinan.

Inihayag ito ng opisyal sa isinagawang turn over ng command ceremony sa Camp Antonio Sison Lingayen, Pangasinan na pinangunahan ni Police Regional Office 1, Regional Director, PBGEN Lou Evangelista.

Sa pagharap ni Capoquian sa media kahapon, sinabi nito na ipagpapatuloy niya ang pagdaragdag ng puwersa ng kapulisan sa lansangan lalo na sa dis oras ng gabi, kung saan laganap ang krimen.

Aniya, 80% ng kapulisan sa probinsiya ang ipapakalat nito na siyang solusyon upang mabawasan ang ang krimen.

Si Capoquian ay nagsilbi dating Chief of Police ng lungsod ng Urdaneta at San Carlos, at nadestino na rin sa Calabarzon, Binondo at Divisoria.

Pinalitan ni Pcol Capoquian si PCol Jeff Fanged na nagsilbi sa lalawigan ng mahigit dalawang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments